Friday, August 3, 2012

Distraksyon


Minsa'y pauwi
Malalim ang iniisip at nagmumuni-muni
"Maglalakad na lang papuntang bahay", sabi sa sarili
Madalang 'to mangyari may nagbubugbugan pa sa tabi

Napadaan ako sa isang tindahan
Nang biglang may dalawang lalaking naghahabulan
Si Payat hinahabol itong si may katabaan
Isang ale nama'y "Hoy!" lang ang maririnig sa kanyang lalamunan

Ang dalawa'y nagtatakbuhan
At tumabi-tabi rin nang may dumaang sasakyan

Nanuntok si Payat kay Taba
May nakaparadang sasakyan sa tabi
At dito napasandal si Taba nang sandali
Nakahanap ng pagkakataon at nagsimulang tumakbo na dali-dali

Bago makailang metro ay tila natisod ito
Nadapa sa gitna ng kalsada etong si Taba
Inabutan ni Payat ang bagito
Patuloy ang pagdagok ng suntok sa katawan nito
Tila walang balak lumaban nitong si Taba sa nakatatanda

Patuloy pa rin sa pagsigaw ang ale
Unti-unting nakakaagaw-pansin ang ingay sa gabi
Dumadami ang napapalingon sa kung anong nangyayari

Paunti-unting humina ang ingay
Habang ako ay papalayo sa pangyayari
Muli na namang napaisip
Nagmumuni-muni at 'di mawari
Bakit nga ba na-unfriend ako sa fb?

No comments:

Post a Comment