Tuesday, September 25, 2012
Trapik
Sinasakyang bus di maka-arangkada
Nakatirik ng matagal sa may Buendia
Kaya naman pala dahil sa unahan ay may baha
May kalaliman na din, sandosenang pulgada
Maya-maya may napansin sa bangketa
Dalawang lalaki magka-angkas sa bisikleta
Walang pakialam lulusungin ang baha
Walang hintu-hinto pidal pa din hanggang kalsada
Sa isang saglit sila'y natumbang pakaliwa
Si angkas ay nakaiwas
Si drayber ay minalas
Ang angkas ay nakatayo na
Ang drayber lublob ang mukha sa baha
Mga kapwa ko lulan sa bus biglang nag-ingay
Malakas na halakhakan ang ibinigay
Napagtanto ko ang nangyari pala'y nakakatawa
Heto tuloy napapangiti t'wing ito'y maaalala.
Thursday, September 6, 2012
Effort
Nagpalit-palit pa ng bumbilya
Medyo itim na kasi siya
Di kasi umilaw nitong umaga
Malay ko bang brown-out lang pala.
Subscribe to:
Posts (Atom)