Friday, August 3, 2012
Common CR
Pagpasok sa palikuran ano itong nanlilimahid?
Mayroon akong nakita dumi sa sahig
Kung kanino ka man sarap sa kanyang ipahid
Wala na akong nagawa kundi anurin ito ng tubig
Kaya naman pala kanina pa may mapanghi
Dahil meron sa CR higit pa sa ihi
'Di gaano kalakihan ang nakita at naamoy
Pero naku naman bakit nag-iwan ng Choco Boy?
Pag naghugas ng puwet lumingon sa pinanggalingan
Sa bowl man yan o sahig importante ang kalinisan
Paano uunlad ang ating sambayanan
Kung nag-iiwan ka ng tae pinapaubaya mo sa sangkatauhan.
CR - comfort room; bathroom
Curious
Minsa'y nag-MRT kasama mga kapamilya
Magpupuntang North EDSA at sila'y igagala
Kisame ng tren may tumutulong tubig
Walang ibang magawa kaya ako'y napapatitig
Heto na ang patak dumapo sa ulo ni kuya
Siya nama'y nagtataka at biglang tumingala
Ang sumunod na patak bumagsak sa kanang mata
Napanood ito ni GF at nagtawanan ang magsyota
MRT - Metro Rail Transit
EDSA - Epifanio de los Santos Avenue
GF - girlfriend
Distraksyon
Minsa'y pauwi
Malalim ang iniisip at nagmumuni-muni
"Maglalakad na lang papuntang bahay", sabi sa sarili
Madalang 'to mangyari may nagbubugbugan pa sa tabi
Napadaan ako sa isang tindahan
Nang biglang may dalawang lalaking naghahabulan
Si Payat hinahabol itong si may katabaan
Isang ale nama'y "Hoy!" lang ang maririnig sa kanyang lalamunan
Ang dalawa'y nagtatakbuhan
At tumabi-tabi rin nang may dumaang sasakyan
Nanuntok si Payat kay Taba
May nakaparadang sasakyan sa tabi
At dito napasandal si Taba nang sandali
Nakahanap ng pagkakataon at nagsimulang tumakbo na dali-dali
Bago makailang metro ay tila natisod ito
Nadapa sa gitna ng kalsada etong si Taba
Inabutan ni Payat ang bagito
Patuloy ang pagdagok ng suntok sa katawan nito
Tila walang balak lumaban nitong si Taba sa nakatatanda
Patuloy pa rin sa pagsigaw ang ale
Unti-unting nakakaagaw-pansin ang ingay sa gabi
Dumadami ang napapalingon sa kung anong nangyayari
Paunti-unting humina ang ingay
Habang ako ay papalayo sa pangyayari
Muli na namang napaisip
Nagmumuni-muni at 'di mawari
Bakit nga ba na-unfriend ako sa fb?
Subscribe to:
Posts (Atom)